Posts tagged "texts"
1

Liham galing sa isang kaibigan

Eto ay isang email galing sa aking kaibigang si Kitin Pambuan. Regalo para sa aking kaarawan kahapon. :D

 

 Magandang gabi, Kuneho!

 

Dahil kaarawan mo na, at wala akong matinong regalong maibibigay ngayon (hintayin mo nalang ang regalo ko sa Sabado), isang sakripisyo ang aking inaalay. Simula ngayon hanggang sa matapos ang mensahe kong ito, ang ating sariling wika ang aking gagamitin.

 

Pinili ko ring gumawa ng e-liham (oha hahaha) para maiba.

 

Sa liham kong ito, ibabahagi ko ang dalawampung dahilan kung bakit ikinagagalak kong nakilala kita. Dalawampu, di dahil iyon na ang edad mo kundi dahil iyon nalang ang laman ng pitaka ko.

 

 

1. Masaya maging kaibigan ang isang taong unang natakot sa akin

 

2. Nakakatuwa ang mga lalaking mahaba ang buhok

 

3. Bihirang magkaron ng kaibigang nakalunok ng megaphone; mas bihira pa yung kaharap na kita, choppy ka paren. HAHAH

 

4. Sobrang angas mong litratista kahit wala kang sariling camera; parang Indian na walang pana, o di kaya’y dentistang walang ngipin

 

5. Nakakatuwa ang mga pangil mo, wag mo lang ilapit sakin

 

6. Kahit madalas kang mamulubi, nagawa mo parin akong tawagan ng sunod sunod na gabi para lang kamustahin (bagay na aking kinailangan kahit di ko inamin)

 

7. Malambing ka. Ayun.

 

8. Marami ka mang pinagdadaanan, kinakaya mo…ang makiraan sa mga makikipot na daan dahil payat ka

 

9. Hindi mo hinahayaang panghinaan ka ng loob…ng pitaka

 

10. Masayahin ka sa kabila ng malulungkot mong mga kwento

 

11. Natutunan ko sayo (sa kabila ng ilang ulit na pagturo nila John at Arvin) na wala akong dahilan para mahiya sa aking kakayahan at sa aking sarili, at hindi ako dapat maapektuhan ng kung ano man ang sa tingin kong iniisip ng iba (maliban nalang kung iniisip nilang maganda ako, isang bagay na tunay at totoo)

 

12. Natutunan ko sayo ang maging maingay, masayahin, at mapang-asar kahit sa mga panahong gusto ko lamang maging tahimik, malungkot, at mapagkumbaba.

 

13. Kahit wala pang natutuloy sa listahan natin, di mo ako hinuhusgahan. Mahal mo parin ako. Siguro nga’y isponteynyus lang talaga tayo at di natin kailangan ng mga listahan upang maging masaya. Is-pon-tey-nyus! Is-pon-tey-nyus! Is-pon-tey-nyus!

 

14. May tatlo kang kuya! Nakakatuwa ang mga kuya at ang mga taong may kuya! Dahil kahit wala akong kuya, ang maging malapit lang sa taong may mga kuya ay nakakabawas na ng lungkot ko sa kawalan ko ng kuya. (Panuto: Bilangin ang salitang kuya.)

 

15. Nagkakasala ka, di ka perpekto at di mo tinatago ‘yun. Para sa akin, mahalaga yun, dahil buong buhay ko, pinapaligiran ako ng mga taong perpekto. Sinasabihan ako na sila ang dapat kong tularan. Pero ang totoo, hinahanap ko pala ang isang tao na magpapaalala sa akin na hindi laging dapat maging tama. Maaaring magkamali. Ang mahalaga ay ang paghingi ng kapatawaran. Ikaw ang nagpaalala sakin nito - na humingi ng tawad sa Greenhills dahil mahal na ang kanilang mga benta, di naman perpekto.

 

16. Hinahalikan mo ako sa noo na parang kuya (Panuto: Idagdag ang salitang ito sa nakaraang bilang ng mga salitang “kuya”)

 

17. Mahilig ka sa mga babaeng pula ang buhok. Nakakatuwa ang mga taong ganito, mga taong tulad mo na sadyang nakakaintindi ng sining.

 

18. Natutuwa akong nagkakilala tayo dahil gustong gusto ko ang magkaron ng kaibigang malambing na aalagaan. Pero mas natuwa ako nang nalaman kong sasarili mong paraan ay inaalagaan mo din ako

 

19. Matiyaga ka. Sabi ni Arvin, “persevering” ka daw. Hindi ko alam kung ano yun. Wala ang salitang iyon sa aking bokabularyo. Pero kung ano man yun, gusto ko yun sayo!

 

20. Natututo tayo sa isa’t isa - at ito ay mahalaga sa isang pagkakaibigan

 

 

Sana napangiti kita ngayong kaarawan mo. Kundi man, basta sana’y napangiti kita kahit isang araw lang sa buhay mo.

 

Mahal kita, Kuneho! Wag kang magsasawang tumingin sa mga magagandang bagay (at tao tulad ko) sa buhay mo :)

 

Maligayang kaarawan muli!

 

 

 

 

 

Christine M. Pambuan

14
78
Reblogged from hiding from satellites

Di ako takot sa ipis, pero takot ako sa grammar police.

rarivera:

I has a fear.

Ma’as-salama

Yesterday, my eldest brother left for a 2-year stint as a photographer in Qatar.  But of course, before he left, we had to get our family photograph taken, knowing that we wouldn’t get another opportunity to do so until June 2013.
So here it is:
FORMAL POSE #1:

WACKY POSE #1:

WACKY POSE # 2:

FORMAL POSE # 2:

WACKY POSE # 3:

AND A PHOTO WITH MY UNCLE. :))

AND HE’S ALL SET. 

So long, brother. :)

*THE TITLE IS AN ARABIC TRANSLATION FOR GOODBYE*

6

Let my shadows prove the sunshine.

AAAAAAAAAAAAAAH!!! Ang Hirap naman e! Hindi ko na maintindihan kung anung gusto Mo na mangyari. Sobrang labo lang e! :| MADILIM NA MALABO PA. Para kang nagkuha ng basketball game na ang shutter speed mo ay 1/1000 at ang aperture mo ay F22 ang ISO mo 100 tapos naka MANUAL FOCUS ka pa. Ganun. Ganun kaperfect ang photo mo. PERFECT BLACK. Masaya naman ako e. Basag trip talaga e. Nahihirapan akong makita kung ano ang plano Mo. Boss, clue please? Daig ko pa kasi nakadrugs nito e. Lutang na lutang ako.

Pero… Ayos lang. Alam ko namang alam Mo kung ano yung desire ng puso ko. Help me to see You in these things kahit sobrang hirap. Ikaw nalang po ang bahala boss. Alam ko na makikita Kita ulit ng sobrang perfect ang exposure at pose Mo. Salamat :)

7

EHRSIES STUDIOS IN THE MAKING.

COMING SOON!

but for the meanwhile, you can visit us at:

http://ehrsies.blogspot.com/

1
Reblogged from C▲USE OF DEL▲Y

hellomarionne:

Heart Bokeh fail! :))

Ate at Army Navy and Frutti Froyo today with Lexer Alinsod

May kinwento lang kasi ako tungkol sa ano.. Hahahahahahahaha. Ok. Whatever :))

sorry na haaaaaaa! :>

pag may natira kang pagkain. Wag mong itatapon, lagi mong alalahanin na may makikita kang bata na hindi pa kumakain.

- Ytalia Nikolai Suller Moreno